Monday, August 9, 2010

Tatlong bente-sinko

Diba noong mga bata pa tayo, ang tawag naten at ng ating mga kalaro sa mga "peklat" ay barya o piso o bente-singko?

Naaalala niyo pa ba ang post kong --> ito??? Nung aking kinwento na noong kabataan ko'y wala akong magarang laruan? Ang laruan ko lang noon ay mga papel na manika na binibili sa suking tindahan. Ngunit mas malimit na ako ay naglalaro sa kalsada. Naglalaro ng lupa, nakikipagtakbuhan, gumagawa ng lobo gamit ang gumamela.

Dahil lage ako naglalaro sa labas, lagi akong nasusugatan. Kung ano anong mikrobyo siguro ang pumasok sa katawan ko kaya nagkaroon ako ng maraming peklat.

Battle scars! Hehehe! (Taken when I was 6yrs old, SM North)

At ndi lang sila basta bastang peklat! Sila ang peklat of all peklats! Hahaha! They're big and juicy! Yakkkkk, kadiri! Hahahaha! Pero wala sa biro, ndi sila ordinaryo. Masakit sila pag natatamaan, minsan nagdudugo, minsan natutuklap.

Maihahalintulad ko sila sa mga napagdaanan ko sa buhay. May mga mapapait akong nakaraan -- mga nagdaang nagdulot sakin ng poot at sakit. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, kapag may pagkakataon na nakakapag paalala sakin nito, nararamdaman ko uli ang sakit. Akala ko tuluyan nang naghilom, ndi pa pala. Andyan lang sya, nakaabang, nagbabadyang magparamdam. 

Ang mga masasakit na bagay, yun daw ang nagpapatibay sa buhay.  Naniniwala ako dito. Madami na kong napagdaanan kahit na bente-anyos (20?!?) pa lang ako ngayon. Nyahaha! 

Nandyan na ako'y iniwan, ako'y nang-iwan, ako'y niloko, ako'y pinangakuan. At ndi lang yan sa buhay pag-ibig, sa ibang aspeto rin ng buhay ko yan naranasan. Bata pa lang ako, natutunan ko ng tumayo pagkatapos kong madapa. Natural lang na umiyak ng konti, pero konting pagpag lang, konting punas, ayan at lalakad na uli ako.



Ganyan rin ang ginawa ko nitong nagka-isip nako. Dinadama ko ang sakit, iniiyak ko at pagkatapos nun, nagmomove on nako. Wala kang mapapala sa buhay kung iyak ka lang ng iyak. Kelangan, bumangon ka! Hindi ako nagmamatapang, hindi ako nagmamagaling. Ang gusto ko lang iparating ay sa bawat pagkakadapa, sa bawat sugat, sa bawat sakit, darating din ang panahon na ito'y tuluyang maghihilom din.

Anong ginagawa ko sa kakahuyan? Uhmmm eh, wala kang pakialam! Hahahaha!
(Vietnam, February 2010)

Nagising nalang ako isang araw na wala na ang sakit, wala na ang kirot, wala na ang hapdi. Pagtingin ko, wala na ang mga peklat ko. Simbulo ito ng panibagong buhay, panibagong karanasan, panibagong panahon upang lumaban sa buhay. Ndi ako natatakot na madapa uli, na magkasugat, na magkapeklat, ika nga ng kalaro ko dati "Been there, Been That"! Hehe. 

xx I'm sorry if I'm not making sense. You know naman na I'm not really sanay to write in Filipino! Haha! Yeah, right! LOL! I hope I got my message across even if it's some kinda malabo, hahaha! Basta ang bottomline nun, wala nakong tatlong bente-singko ngayon! Yayyyyyyy!


The Unpure One,


-=K=-




22 comments:

kikilabotz said...

huhu..ako hnd pa nawawala ang peklate ng pigsa ko. badtrip. ^_^ nice tagalog post. at dahil jan dapat manlibre ka. haha

-=K=- said...

Marvs - mura lang ang sebo de macho sa Mercury! Bili na, gooooo! Hehehe! Hayaan mo lang yan, magsasawa rin yan sa katawan mo. Ndi mo mapapansin, wala na sya. LOL! Sige libre kita! (ng sebo de macho, jeje!)

kikilabotz said...

nakakain po ba ang sebo de mcho? ahahaha

-=K=- said...

Ahhh, libreng pagkain ba? Sabe mo lang naman kase libre! Hehehe, ikaw talaga! Kulang kulang ka! :p

an_indecent_mind said...

ang ganda!

Super Balentong said...

at bakit ang ganda mo? wala akong lakas para pigilan ang pagkabighani sayo.

Mel of mmdc7 Online said...

nice post! ;)

Don Dee said...

I actually felt what you wrote. And I can still feel that pain underneath the fake laugh... hahaha! Just kidding. We are kindred spirits (di ba? what I sent you in private? secret!)

neckromancer said...

Ang husay! Uy, sumasabay siya sa Buwan ng Wika! :)

Tama ka, -=K=-! Mas mahalaga sa buhay ang pagbangon kung madapa at tagumpay pagkatapos ng kasawian. Bonus na lang yang perfect record na iyan. Actually, ang mga perfect record ang walang napatunayan dahil hindi sila nakaranas ng pagkatalo.

***
Antayin mo, deconstruct ko naman yung kanta ni Dingdong Avanzado. :)

Jag said...

What a nice pair of legs u have now! Anong ginawa mo bakit nag disappear ang peklats mo?

glentot said...

Ikaw na ang flawless ahihihi. At least nawala na sila na parang bula...

-=K=- said...

@ a_i_m - ayos ba? Pasado ba sa panlasa mo? Hehe!

@ Super B - maganda ko dahil may mga malabo ang matang gaya mo. Haha! Salamat sa pagdalaw.

@ mmdc7 - thanks sis :)

@ Double D - syempre ganun talaga, if you can't do it, fake it! Hehehe! Yes, secret lang natin yun.

@ Neckro - yes! buti nalang Buwan ng Wika at least ndi ako mahihirapan kakaenglish. Mapapahinga ko ng ilang linggo. LOL! Yes, pakiconstruct ang tatlong bentesingko. At least si Dingdong Avanzado kilala ko. Yay!

@ Jag - wala lang, napagod na sya kakatambay sa legs ko. Umalis nalang at lumipat sa iba. Wish ko lang ndi sayo :) Hehe

@ Glentotzzz - Oo, ako na talaga! LOL.

MiDniGHt DriVer said...

beep beep..aw, sana mapagod din yung mga peklat sa tuhod ko :-)

Anonymous said...

Bakit kaya di pa rin ako makapag post ng comment sa Blog mo?

A-del-Valle said...

u grow up pretty naman ibang iba talaga pag bata pa at pag nagdadalaga na eh ano lol

Anonymous said...

Ma'am,

Kahit gaano karami peklat sa legs nyo, idol ko pa rin kayo.

Hot pa rin po kayo!

Lol

PS: bakit yung buong mukha ko parang isang malaking peklat?

dencios said...

those pix are... yummy.

(grins)

Super Balentong said...

malinaw ang mata ko, kalabasa ang paborito ko.

Super Balentong said...

malinaw ang mata ko, kalabasa ang paborito ko.

cheese said...

anu yun bro pagkain? lol

-=K=- said...

Midnight Driver - magsasawa rin yan, maniwala ka! Hehe!

Nozzie - nakakapost ka naman ah?

POY - parang gusto mong sabihen na ndi ako cute nung bata ako ah! Bad! =D hehe! Sumbong kita sa nanay ko!

Anonymous - mas hot ka! :) You're hotttter than summer!

Dencios - abs mo yummy! Hehe!

Super B - fave ko rin kalabasaaaaaa! Ginataang kalabasaaaaa!

Keso - :p hehe!

AdroidEnteng said...

oks lang yang mga peklat na yan..sabihin na lang natin birth mark yan..nyahahaha