Naaalala niyo pa ba ang post kong --> ito??? Nung aking kinwento na noong kabataan ko'y wala akong magarang laruan? Ang laruan ko lang noon ay mga papel na manika na binibili sa suking tindahan. Ngunit mas malimit na ako ay naglalaro sa kalsada. Naglalaro ng lupa, nakikipagtakbuhan, gumagawa ng lobo gamit ang gumamela.
Dahil lage ako naglalaro sa labas, lagi akong nasusugatan. Kung ano anong mikrobyo siguro ang pumasok sa katawan ko kaya nagkaroon ako ng maraming peklat.
Battle scars! Hehehe! (Taken when I was 6yrs old, SM North)
At ndi lang sila basta bastang peklat! Sila ang peklat of all peklats! Hahaha! They're big and juicy! Yakkkkk, kadiri! Hahahaha! Pero wala sa biro, ndi sila ordinaryo. Masakit sila pag natatamaan, minsan nagdudugo, minsan natutuklap.Maihahalintulad ko sila sa mga napagdaanan ko sa buhay. May mga mapapait akong nakaraan -- mga nagdaang nagdulot sakin ng poot at sakit. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, kapag may pagkakataon na nakakapag paalala sakin nito, nararamdaman ko uli ang sakit. Akala ko tuluyan nang naghilom, ndi pa pala. Andyan lang sya, nakaabang, nagbabadyang magparamdam.
Ang mga masasakit na bagay, yun daw ang nagpapatibay sa buhay. Naniniwala ako dito. Madami na kong napagdaanan kahit na bente-anyos (20?!?) pa lang ako ngayon. Nyahaha!
Nandyan na ako'y iniwan, ako'y nang-iwan, ako'y niloko, ako'y pinangakuan. At ndi lang yan sa buhay pag-ibig, sa ibang aspeto rin ng buhay ko yan naranasan. Bata pa lang ako, natutunan ko ng tumayo pagkatapos kong madapa. Natural lang na umiyak ng konti, pero konting pagpag lang, konting punas, ayan at lalakad na uli ako.
Ganyan rin ang ginawa ko nitong nagka-isip nako. Dinadama ko ang sakit, iniiyak ko at pagkatapos nun, nagmomove on nako. Wala kang mapapala sa buhay kung iyak ka lang ng iyak. Kelangan, bumangon ka! Hindi ako nagmamatapang, hindi ako nagmamagaling. Ang gusto ko lang iparating ay sa bawat pagkakadapa, sa bawat sugat, sa bawat sakit, darating din ang panahon na ito'y tuluyang maghihilom din.
Anong ginagawa ko sa kakahuyan? Uhmmm eh, wala kang pakialam! Hahahaha!
(Vietnam, February 2010)
Nagising nalang ako isang araw na wala na ang sakit, wala na ang kirot, wala na ang hapdi. Pagtingin ko, wala na ang mga peklat ko. Simbulo ito ng panibagong buhay, panibagong karanasan, panibagong panahon upang lumaban sa buhay. Ndi ako natatakot na madapa uli, na magkasugat, na magkapeklat, ika nga ng kalaro ko dati "Been there, Been That"! Hehe.
xx I'm sorry if I'm not making sense. You know naman na I'm not really sanay to write in Filipino! Haha! Yeah, right! LOL! I hope I got my message across even if it's some kinda malabo, hahaha! Basta ang bottomline nun, wala nakong tatlong bente-singko ngayon! Yayyyyyyy!
The Unpure One,
-=K=-








